Ang inyong life insurance agent ay ang propseyonal na kinatawan na nagbebenta ng produkto ng insurance company. Patungkol sa iyong policy, ugaliing maging mapanuri at tiyak sa magtanong upang lubusang maintindihan ang kabuuang policy.
Kailangan ring maging mapagmatyag sa mga red flags na maaaring matagpuan sa iyong life insurance agent. Ang mga red flags na ito’y katulad ng hindi maipaliwanag nang mabuti ang produktong binebenta, sinasabing garantisado ang investments sa variable life insurance o VUL, at iba pa.
Alamin ang iba pang mga red flags na dapat tingnan at iwasan sa iyong life insurance agent sa buong public service column ni Atty. Martin Loon sa Abante News.