
May mga pangunahing pagkakaiba ang life insurance at health insurance patungkol sa tulong pinansyal na naibibigay at ang taong makakakuha ng benepisyo.
Ang life insurance ay maaaring gamiting tulong o pamana sa mga mahal sa buhay. Ang pinansyal na benepisyo (salapi o proceeds) ay matatanggap ng benepisyaryong itinalaga ng may-ari o kaya naman ay mapupunta sa kanyang estate.
Ang health insurance naman ay kung saan sagot ng mga health insurance providers ang mga bayaring medikal. Kumpara sa life insurance, ang taong makakakuha ng benepisyo sa health insurance ay ang may-ari.
Basahin ang buong public service column ni Atty. Martin Loon sa Abante News.