May karapatan ba ang asawa ng may-ari ng life insurance sa benepisyong mula rito?
Ang beneficiary lamang ang taong maaaring makakuha o makapag-file ng insurance claim. Kahit asawa o anak ng may-ari ng life insurance ay hindi niya makukuha ang benepisyo kung hindi itinalagang beneficiary.
Maaaring magtalaga ng mahigit sa isang primary o contingent beneficiary. Kung sakaling pumanaw na ang itinalagang beneficiary o disqualified ito, mapupunta sa estate ang benepisyo ayon sa batas.
Para alamin ang karagdagang detalye tungkol sa beneficiaries at pag-file ng claim, basahin ang buong public service column ni Atty. Martin Loon sa Abante News.