Ngayong panahon ng pandemya natin nakita ang kahalagahan ng pag-iipon. Ngunit saan nga ba natin dapat ilagay ang pinaghirapang ipon – sa life insurance o savings sa bangko?
Bawat isa ay may sariling pakinabang. Sa pagkuha ng life insurance, tayo ay nabibigyang proteksyon kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Mayroon ding makukuhang payout ang pamilya ng nawalan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Sa bank savings naman ay nakadeposito lamang sa bangko at kumikita ng maliit na interest ang perang naipon.
Alamin ang pagkakaiba ng dalawa sa buong public service column ni Atty. Martin Loon sa Abante News.